SUCCESS STORY OF JENNIFER CERDAN CAHIGAS

            Ako po ay si Jennifer Cerdan Cahigas 39 taong gulang, ipinanganak noong ika-25 ng Marso 1974 sa Barangay Sabling, Anda, Pangasinan. Kasal kay Ermie Caniedo Cahigas at may 6 na anak.

Noon bago humiram sa RSPI

            Nagsimula ako sa simpleng may bahay at kumikita lamang po ang aming pamilya sa pangingisda-gamit ng aming bankang de-sagwan, ng halos kasya lamang sa aming panggastos.

            Ng dumating ang programa ng RSPI dito sa aming barangay, ako ay nahikayat na sumapi upang makahiram ng dagdag puhunan sa aming negosyo na pangingisda. Sa awa ng Diyos naayos at napahaba ang aming baklad. Dahil dito gumanda at lumaki an gaming kita at nadagdagan pa ang dati naming baklad ng dalawa pang bagong baklad. Kinaya narin naming makabili ng bangkang de motor. At sa patuloy na panghihiram namin sa RSPI ay nadagdagan pa ang aming negosyo- nag aalaga na kami ng baboy. Sa tulog ng Panginoong Diyos at sa sipag at tiyaga naming mag-asawa ay napalago namin ang aming negosyo, sa ngayon meron na kaming dalawang inahing baboy. At noong nakaraang taon nakabili narin ako ng isang baka at sa ngayon ito ay may anak na. Muli akong nagpapasalamat sa RSPI sa patuloy na pagbibigay ng karagdagang puhunan at tiwala sa amin sa livestock loan.

            Ngayong araw na ito, ika-6 ng Hunyo 2013 ako ay nasa 9 na cycle na sa RSPI. At ako po ay nakasali sa    Php.20,000.00 general loan at Php.10,000.00 na livestock loan.

            Sa patuloy na paglago ng aming negosyo ay unti-unti na naming naipapaayos ang aming bahay. Nagkaroon narin kami ng pagkakataon na makakuha ng  hulog-hulugang motor (TMX 155) upang makatulong sa pangtransportasyon ng aming negosyo. At dagdag pa rito, patuloy na naming napagpapa-aral ang aming mga anak.

            Kaya ako at ng aking asawa ay lubos na nagpapasalamat sa RSPI sa karagdagang kita na ipinagkakaloob sa amin. Hindi lamang sa negosyo kundi pati sa pangangalaga ng pamilya ng dahil sa mga itinuturo at mga activities na binibigay ng RSPI at nagpapasalamat din kami sa patuloy na paglago ng aming spiritual aspect sa aming buhay sa tulong naman ng mga pastora at Program Assistant at gumagabay at nagbibigay payo hindi lamang sa akin kundi sa lahat ng kasapi ng Toritori Center ng RSPI.

 

Jennifer C. Cahigas (sgd.) and Ermie C. Cahigas (sgd.)